1 Corinthians 3
1 At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.
2 Kinandili ko kayo ng gatas, at hindi ng lamang-kati; sapagkat kayoy wala pang kaya noon: wala, na ngayon pa man ay wala kayong kaya;
3 Sapagkat kayoy mga sa laman pa: sapagkat samantalang sa inyoy may mga paninibugho at mga pagtatalo, hindi baga kayoy mga sa laman, at kayoy nagsisilakad ayon sa kaugalian ng mga tao?
4 Sapagkat kung sinasabi ng isa, Akoy kay Pablo; at ng iba, Akoy kay Apolos; hindi baga kayoy mga tao?
5 Ano nga si Apolos? at Ano si Pablo? Mga ministro na sa pamamagitan nila ay nagsisampalataya kayo; at sa bawat isa ayon sa ipinagkaloob ng Panginoon sa kaniya.
6 Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig; ngunit ang Dios ang siyang nagpalago.
7 Ano pat walang anoman ang nagtatanim, ni ang nagdidilig; kundi ang Dios na nagpapalago.
8 Ngayon ang nagtatanim at ang nagdidilig ay iisa: ngunit ang bawat isa ay tatanggap ng kaniyang sariling kagantihan ayon sa kaniyang sariling pagpapagal.
9 Sapagkat tayo ay mga kamanggagawa ng Dios: kayo ang bukid ng Dios, ang gusali ng Dios.
10 Ayon sa biyaya ng Dios na ibinigay sa akin, na tulad sa matalinong tagapagtayo ay inilagay ko ang pinagsasaligan; at iba ang nagtatayo sa ibabaw nito. Ngunit ingatan ng bawat tao kung paano ang pagtatayo niya sa ibabaw nito.
11 Sapagkat sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na itoy si Cristo Jesus.
12 Datapuwat kung ang sinomay magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami;
13 Ang gawa ng bawat isa ay mahahayag: sapagkat ang araw ang magsasaysay, sapagkat sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawat isa kung ano yaon.
14 Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siyay tatanggap ng kagantihan.
15 Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: ngunit siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon may tulad sa pamamagitan ng apoy.
16 Hindi baga ninyo nalalaman na kayoy templo ng Dios, at ang Espiritu ng Dios ay nananahan sa inyo?
17 Kung gibain ng sinoman ang templo ng Dios, siyay igigiba ng Dios; sapagkat ang templo ng Dios ay banal, na ang templong ito ay kayo.
18 Sinomay huwag magdaya sa kaniyang sarili. Kung ang sinoman sa inyo ay nagiisip na siyay marunong sa kapanahunang ito, ay magpakamangmang siya, upang siya ang maging marunong.
19 Sapagkat ang karunungan ng sanglibutang ito ay kamangmangan sa Dios. Sapagkat nasusulat, Hinuhuli niya ang marurunong sa kanilang katusuhan:
20 At muli, Nalalaman ng Panginoon ang pangangatuwiran ng marurunong, na pawang walang kabuluhan.
21 Kayat huwag ipagmamapuri ninoman sa mga tao, Sapagkat ang lahat ng mga bagay ay sa inyo.
22 Kahit si Pablo, kahit si Apolos, kahit si Cefas, kahit ang sanglibutan, kahit ang buhay, kahit ang kamatayan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating; lahat ay sa inyo:
23 At kayoy kay Cristo; at si Cristo ay sa Dios.